Ayon kay Romeolito Tacbian, Chairperson ng 2019 RICE ang taunang patimpalak ay isinasagawa bilang pagsuporta ng Department of Science and Technology – Technology Application and Promotion Institute o DOST – TAPI sa Republic Act 7459 o mas kilala bilang “Investors and Invention Incentives Act of the Philippines.
Layunin aniya nito na hikayatin ang mga Pilipino na makagawa ng mga bagong produkto at teknolohiya na magiging kapaki-pakinabang sa lipunan.
Dagdag ni Tacbian, sa 90 na dumaan sa screening na nanggaling sa mga pribado at pampublikong sektor ay 40 ang nakapasok sa contest at ang mga mananalo dito ang lalaban sa National Invention Contest and Exhibits (NICE) na gaganapin sa susunod na taon.
Kasabay din ng patimpalak ay ipinagdiwang ang 26th National Inventors Week na pinangunahan ng DOST – Central Luzon katuwang ang Philippine Inventors Society at Filipino Investors Society Producers Cooperative o FISPC.
Panawagan naman ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na nagsilbing panauhing pandangal sa mga Local Government Units, sana ay suportahan ng mga ito ang mga kabataan sa kanilang lugar sa pagdiskubre ng mga bagong teknolohiya na makabuluhan at magagamit para sa ikauunlad ng bansa. –Ulat ni Jessa Dizon
0 Yorumlar