Advertisement

DepEd last miles school program (as of july 2019)

DepEd last miles school program (as of july 2019) WATCH: The Department of Education, through its Last Mile Schools Program, aims to reach out to and close the gap between the marginalized schools in the rural areas and their counterparts in the urban centers.

"Ang mga paaralan na naiiwanan—ang mga Last Mile school—ay aming aayusin at ihahabol sa taong 2020 at 2021," Secretary Leonor Magtolis Briones said.

"Itong ‘Last Mile Schools Project’ ang mabilis at seryosong tugon ng kasalukuyang pamunuan ng DepEd sa mga paaralan sa buong Pilipinas na may kakulangan sa mga gusali o silid-aralan at kagamitan, o may sirang mga gusali, silid-aralan, at kagamitan.

Ito ang mga paaralan na matatagpuan sa malalayong bundok at mga liblib na isla, walang sementadong kalsada, may pinsala ang ilang gusali, bumabagsak na ang mga bubong, at walang sapat na upuan ang mga bata.

Kaya umpisa sa 2020, ilalaan ang malaking bahagi ng Basic Education Facilities Fund (BEFF) ng budget ng DepEd sa ‘Last Mile Schools Project’ para ang mga paaralan sa malalayong lugar at liblib na pook ay maging singtulad ng mga paaralan sa mga bayan at siyudad sa ganda at ayos ng mga gusali, silid-aralan, at mga kagamitan."



Video from the Office of the Undersecretary for Administration

#SupportLastMile #TAYOparaSaEdukasyon

deped,last miles program,education,learning,teachers,student's,

Yorum Gönder

0 Yorumlar